Home

Advertisement

Customize

Previous 20

Jul. 27th, 2009

back sa live journal

wooot.. try ko nga tong livejournal na to ulet.. mas mganda ba to sa multiply???

Mar. 30th, 2007

(no subject)

hmmm.. eto ang ilan sa mga youtubevers na trip ko.. wala klang gusto ko lang isher.. wala akong mgawag sa bahay.. whew!! anu bher?? wala bang nagpaplanong mag-outing jan?? naku naman oh.. nakakatamad na summer ito.. amf.. ilang linggo na lang papasok na muli ako.. at pag nangyari yon, puyatan nanaman.. amf!! nakaka-asar na ang buhay mapua.. pero oks lang.. la na din kasi ako pera.. hehehe.. unti na lang magbebenta na ako ng laman.. haha! o eto na yung mga embed..

Mar. 28th, 2007

itchy mania/kelvin mania..

hehehe.. kamusta naman yon?? eto yung concert na napanood namin sa sm sucat.. hahaha.. inget na lang si ster, hindi nakasama sapagkat siya ay born to be slave ng kanyang pamilya.. hehehe.. =) naku ang tagal ko ngang umapdeyt dito sa blog ko.. hihi.. ayan in-edit ku pa yan ha.. hehehe..

hahaha.. at eto pa.. nakuha ko pala ang pic na ito sa blog ni jugs.. hihihi.. =) ang kyot! mejo baklush nga lang.. hahahaha.. edit ko din yan..

hmmm.. sa mga walang humpay na tagabasa ng blog ko naman.. hmm.. subrang saya ng buhay ngayon.. haha.. mejo may ilang kasawian din pero oks lang! naku! grabe.. sayang nawala sa isip ko na kumuha ng mga pictures nung pumunta ako sa elbi.. hahaha.. grabe doon! ang saya subra.. gusto ko ang kabundukan doon.. hehehe..

at bakit nga ba hindi na ako nakaka-apdeyt dito?? una, walang kwenta ang DSL namin.. bwiset nag ta-taym out lagi.. haay buti na lang at nagawa na.. ayun.. pangalawa, i'm sooo busy dating!! hehehe.. ciempre naman uy!! grabe! ang saya talaga!

ay nga pala, kamakailan lang ay nag-mango bravo pala kami ni ces!! hoohoo!! asteg!! ang charap talaga!! ahaha.. pot churi na lang at nauna na ikaw eh.. hehehehehe.. =)

o cge.. magiging madalas na ang pag update ko(sana).. dahil summer na! bakasyon na rin sa wakas.. kahit bitin!! hehehe hanggang july16 lang amp! 

antok na ko!.. gradweysyon pala ni bewds mamaya!! kainan ito.. behlat!! sa mga nagsswimming ngeon jan, amf!! arg!! cge enjoy lang.. wag magteks! hooo! behlat!! amf.. arg talaga!! >=s

Feb. 12th, 2007

tenkyu..

haha.. natuwa nama ako sa mga kinukumento niyo.. hahaha.. ayon! istarbak na!! nako, feeling ko kailangan ko ng maraming isleeping pells kesa kape e!! di ako makatulog sa gabi.. ewan!! i-mamarathon ko na lang si gian at janel.. hahaha.. pang-juding ba?!?! hehehe.. walang pakielaman!! ahooo!

ayun, nakakaasar nga lang dahil pause at stop lang ang maaring mangyari sa "dibidi" namen.. sira ang controller e.. ayun, hidi na binubunot ang saksakan ng dibidi hanggang matapos ko ang hours.. sana po hindi mag-brawnawt!

neks taym na nga lang ang kwento.. la sa mood e.. habang buhay na ata ganto ang kalakaran.. ewan!!

Feb. 9th, 2007

broke.. back mountain...

-DOOMED- ayan, pinakamagandang deskripsyon sa akin ngayon. ewan ko ba! ngayon naniniwala na ako sayo papa God. ang lupeters Mo po. haay.. well, lagi ko naman sinasabi Ikaw ang may hawak sa buhay ko, alam mo ang nararapat gawin sa akin..

anyway, eto na blog ko..

subrang lupet ng nangyayari sa buhay ko ngayon. parang isang rainbow, sa planetang pluto. makulay pero madilim ang paligid.. parang may tumawag sa pangalan ko.. eh yung  "yin-yang?!" nako.. subrang na-apply sa akin!.. haay buhay.. well ang week na ito ay naging mahusay pero hindi ko ma-enjoy kasi nga diba yin yang?? ang kahusayan may kabaligtaran na kapalpakan?!? at ang bawat saya ay may katubas na kalungkutan.. haay.. ganyan nga siguro talaga ang kalakaran dito sa mundo. unit-unti na akong nagigising sa katotohanan at pinapaalis na ako sa land of the rubber shoes and dirty ice cream.. kung saan makakakita ka ng fairies, unicorns at iba pa. lumalaki na nga talaga ako, or mas mabuti, tumatanda na pala ako.. Unti-unti na akong tinetrain ni God sa mundo ng bakbakan ng mga problema. Eto ako, ilang kasawian na ang dumarating, eto pa din naka-ismayl. tingnan ko kung hanggang kelan itong ismayl na ito!

mahusay ang week na ito:

palpak ang week na ito:

  1. Naka perfect ako for the 1st time ng midterm
  2. Buti na-postpone ang quiz sa math kasi..
  3. Nakakuha nanaman ako ng 100 sa chem quiz2
  4. mag starbak kami ni pot
  5. nakuha ko yung nalaglag na isang-daan ko sa FX
  6. hindi na ako na-bobore sa aking iskedyul sa skul
  7. may malupet akong nakita sa skul..
  8. masaya ako..
  1. kilala na ako ng mga lokong kaklase ko bilang kopyahan nila.
  2. Naiwan ko yung assign. ko sa bahay..
  3. napuyat ako at hindi nakakuha ng mataas sa report ko sa chemlab.
  4. hindi natuloy dahil naiwan ang pera
  5. nabaryahan ng tig-lilimang piso ng suklian ako sa jeep
  6. na-adik ako sa kompyuter, lalo na sa kawnter!
  7. nahuli sa blog ang piktyur!!! (pinaka-awts)
  8. pero hindi totoo..

 

  


ang bottomline ng post kong ito, ang buhay ay talagang nakasalalay kay God. ang tao ay instrumento lang Niya. Ultimo ang beats per second ng ating puso sa mga susunod na buwan ay na-program na Niya at walang alien software na makaka-override ng system na ito. sige hanggan dito na lang muna..

berdey pala ni kapatid na cam sa Linggo, madaming pagkain! pero hindi ako uuwi, makikitulog ako kela koko.. i need a break.. broke.. break.. mountain..

at magsisimba ulet ako.. sana hindi na ako ma-late sa misa para mas ma-enjoy ko ang next week.. nga pala.. 

POT.. meriends ha.. dapat kanina e.. takam na takam na ako sa frappe!!

Feb. 4th, 2007

this is for lose!! hi sir!

hi lose.. eto na ang image na ninakaw ko.. hahaha.. palabas siya ng room nito.. sayang may nag-umepal na lalaki e.. biglang lumapit kay miss arki.. tsktsk.. hehehe anyway, may kamuha ba? sorry panget ng kuha.. snap-shot lng kasi.. hmmm.. geh.. balitaan kita muli.. txt2.. LL!! TCL! =) loser!!! may kamukha diba?!? isipin mo mabuti.. hahaha.. that's the reason why i had a crush on her.. wooh.. bilis tingin mo na agad to ha.. buburahin ko din kasi agad tong post kong to.. hehe.. comment ka pag na-view mo na ha.. LOSER!! =)




Jan. 14th, 2007

Sira ang blog

 amf! nakakaasar nga naman oh.. ang tagal ko tuloy hindi nakapag update dahil sa sirang server ng LIVEJOURNAL.. dahil dyan, hindi ko tuloy natala ang ilang mahahalagang tagpo nung mga nakalipas na araw.. tsktsk.. subalit di ako magpapapigil.. eto ang ilang kuha sa Enchanted Kingdom (Nov. 29).. hahah!!


(Enchanted fireworks.. ayaw pa umuwi.. like a shooting star..)


(I'm afraid of heights.. pero oks lang!!)


(x-ray shades! kamon!! magic wallet na hindi nauubusan ng laman!!)


(bakit kaya namumula ang ilong ko?! malamig ang tubig?! hehehe Jungle Log)

Ang lupet ng admentyurs na yan! super.. umaapaw ang kaligayahan ko.. kaya naman parang dumaan na hangin lang ang bagong taon sa akin.. dahil nga yon sa hangover sa EK.. hehe anyway..

Nagsimula na ang 3rd term.. tsk3.. ngayong term na ito, malubha ang iskedyul ko.. lalo na pag MWF.. ganun pa man, nakahanap ako ng paraan upang maging positibo ang pananaw ko sa MWF.. hehehe.. pero mukhang hindi na ito matutuloy sa kadahilanang balik sa normal na ulet ang buhay ko.. sana.. At eto pa.. nageenjoy na ata ako sa Phil. Constitution ko na course.. waw! gravy.. makabayan na ata to.. hehe.. haay.. sa wakas malapit di magtatagal makakatapos na din ako ng persyir.. ang wish ko sa taon na ito.. Mabuting kalusugan sa bawat isa, at yung mga nagbabalak mag shift jan, mapa course o skwelahan man, sana ay makamit ninyo ang inyong hinahangad.. dun naman sa mga gustng maging tambay sa kanto, kamon! inom lang ng inom.. balang araw magkakaroon din kayo ng saysay sa bansa.. huh?!?! anu daw?! 

Heto na.. magpapaalam na muli ako.. sana naman sa susunod na log-in ko dito, gawa pa rin ang LJ.. tsktsk.. enjoy! =)

+++batian portion:+++
Binabati ko ang mga taong sina prom, ster, potiskwer, loser.. hehehe kayo lang naman ang mga masugid kong mambabasa e.. yngat kayo.. pwedeng magpasalamat sa LJ?!.. kasi nagawa na rin server nila.. hehehe

Dec. 26th, 2006

Merry christmas


MERRY CHRISTMAS TO ALL!



(ate cam at bajeng: from right to left. sa sitcom nung pasko!)

Dec. 23rd, 2006

appliedp6


(applied physics. sori ang laro ng point of view. next time gagalingan pa naten ang pag-istok! paparatzi!~)

Serendipity video

 
(serendipity. hihi.. eto ang edit ng previous post ko.)


(hang galeng! adek! la lng. hihi. walang kuneksyon sa akin. na-elibs lng ako. ayun konek pala, elibs-elbi's. hanudaw?!?!?)

Dec. 17th, 2006

super blessed!

waw! ang saya saya ko! haay.. LOSER! two in a row.. whoohoo.. pero may next term pa.. more effort needed! anyway.. tenkyu to ol ti-ip-si subkraybers.. hehe.. thank you Lord sa maagang regalo sa akin.. tenkyu very much sa super blessings na ibinibigay ninyo sa akin.. hihih papakabaita pa ako Lord.. seems that being "good boy" works.. mas marami akong biyayang natatanggap.. haay.. thank you talaga..

Sana papa God, ang mga kaibigan ko rin na sila pot at iba pa jan ay lagi nyong gabayan.. hehehe.. kung anuman ang mga prublema at kacheberan nila, sana malakpasan na at matapos na, pasko na naman eh.. Happiness sa buong mundo Lord! wooh!

anyway, ayun.. Tenkyu muli.. thank you din sa inspirasyon ko!! <-- you're such a wonderful blessing to me! wooh! *shy!*

kafatid, tenkyou din.. LOSER!!! sana kaw din.. at sa susunod na term, taon, at degree pa naten!.. nyahahaha =) GOOD luck.. god bless!

ay honga pala.. yung lants mo pot! matutupad na! hehe =) saka magpaparty kami sa 29!!! EKcited na ko... super!

Dec. 12th, 2006

santa.. santita.. santito.. sankuya.. sankayo?!?

Tutal malapit na ang christmas, ilalahad ko naman ngayon ang aking mga ninanais.. hehehe.. Eto naman ay wish lang.. Hindi sapilitan.. heheheh =) para sa mga ka-pamilya na hindi alam kung anong makakapagpasaya sa akin sa Dec. 24.. Para sa mga kaibigang walang kamuwang muwang ( o di kaya'y nag kukunwaring walang alam) na pasko na.. para sa mga natatangi kong kapatid na bumoBONUS na sa work, kung ano ang maaari kong tanggapin mula sa kanya.. hehehe.. =) Pagbiyan na si ARMEL! hindi pa naman huli ang lahat.. mejo marami pang oras para magshopping.. magpadala sa FED-EX.. para mapasaya ang batang katulad ko.. eto na wish leist ko..

SANA ay (mangyari ang karamihan dito sa listahan):

  • Maging DL ulet ako.. (si loser din daw) (woohoo! ang saya ko!! pizza for everyone!)
  • Pag DL, matupad ang pangako ng nanay na UNLI LOAD
  • Makasama ko buong araw si prom! wooh! (EK!) (kis pa!) hehehehe!! jok!
  • Outing sa summer with FAME! Sama ko si prom! (hello wish nga sa pasko e!)
  • Makasama sa pasko ang pamilya (lagi naman nagkakatotoo, pero masaya e!)
  • I-POT (nano, video, cheber..) (kuya, BONUS na!)
  • Digi cam na may built-in celpon.. (meron nun!)
  • Chaks na berde
  • Bagong sapatos ni dwayne wade!
  • MAPUA shirts!!! (sayang yung nilabas ng arki, danda!)
  • Upgrade ng video card sa comp ko
  • 1Gb memori card ng pon ko
  • Makabili ng mga regalo ng plensters ko.. (prom, koko, labster, kafatid, loser, pot, dalawang itlog)
  • Matuloy ang christmas partyyy nameng tatlo! (sitsaron! kropek!)
  • Mapanuod ulet ang UOD, PNE+kamikazee, sandwich, IMAGO!!! SUGARFREE!!!!
  • New album ng sugarfree, talaarawan
  • Makapunta ng elbi
  • Increase pa ng allowance kahit di kailangan (pang pizza time!)
  • Mabuo ulet ang krayola band
  • Magkaroon ng malupet na gig
  • Bagong zyldjian symbols
  • Mabigyan ng pagkakataong magmaneho!
  • Makapag apartment (live-in kami nila vin, ad!) (wahaha.. wag! masama ang mangyayari!)
  • FHM (cover si Barbie Almalbis, SANA!) (hehehe!)
  • Matinong pag-iisip para sa next term
  • Payagan na ang habayanas sa Mapua!
  • Mawala ang mga snatcher at holdaper sa Pilipinas (bagsakan ng nagbabagang kometa!)
  • World peace without strangers.. (huh?!?!)
  • Makapag kumpisal bago magpasko (seryoso to!..)
  • matupad mga weish ko

Dec. 9th, 2006

serendipity

Serendipity... the faculty or phenomenon of finding valuable or agreeable things not sought for; a natural gift for making useful discoveries by accident.

Ay sauce! anu ba itong entry na ito.. mushy mode.. pero kahit na.. bakit ba.. eto ang gusto ko e..

hmm.. siguro nga everything happens for a reasonewan ko ba.. parang lahat ng bagay kailangan masira.. tapos biglang na lang may darating na <ika nga ni pot> superproxee.. in my case, superhero.. Astegins!! as in.. ang lupet ni Lord! thank you thank you..

wooh.. kalunod talaga.. ilang example ng serendipity

  • hindi kayo nag uusap pero prehas kayo ng iniisip.. clothes, EMOTicons, foods, etc..
  • magtetext ka tapos pagsend ng msg., matatanggap mo within split seconds ang prehas na text..
  • hihirit ka ng joke pero pagbitaw mo ng punchline ay sabay kayo.. (akalain mong prehas pa ng words).. timing ba ito??
  • prehas kayo sa mga bagay bagay na hindi ninyo alam.. attitudes, ka-weirdohan, kacherbahan at anu anu pa..
  • at higit sa lahat.. out of the blue, magpaparamdam kung kelan mo kailangan.. yung parang nagteleport sa tabi mo ng walang kaalam-alam

asteg talaga.. ang hirap ipaliwanag pero serendipity talaga.. hindi expected na magkakaganito.. kung aksidente lang, eh ang lupet naman non.. aksidenteng super paulet-ulet-ulet-ulet.. ang saya!!.. kung compatibility test naman..  zuma cum laude na ang grado!! hehe.. basta.. everything happens for a reason.. si Lord ang dahilan.. tenkyu tenkyu super!!.. kay agang regalo para sa pasko!! sabi nga.. ito ang isang example ng hindi hinahanap.. kusang dumarating.. superhero!



 

Dec. 8th, 2006

tuliro sa'yo


(eto share lang.. hehe.. para sa taong nagbibigay kahulugan sa aking friday.. prom..)
(para kay pot din na nakakamiss tuwing tuesday.. hahaha.. gud luck sa cheber mo pot)

crumb..

hala.. hang tagal kong di nag ba-blag a! nahawa kay lose.. tsktsk.. "I wish DL ulet kami.. deserve naman eh!"

o eto na..
crumb..  eto yung salitang nabuo dahil sa dalawang mahalagang salita din.. CRUMB = cram + dumb.. Oo.. heheh.. napansin ko lang.. nung mga araw na dumaan, nagkaroon ng maraming araw na pahinga sa eskwela.. ito ay dahil na rin sa bantang delubyo ni REMING.. at eto pa, sang tambak na gawain ang kinailangan kong gawin nung weekend pero dahil nga sa salitang cram.. hindi ko yun ginawa sa halip pinalipas ang mga araw hanggang linggo para gawain ang 2 portpolyo.. akalain mo yun?! di ba dumb nga tawag dun?! at dahil pa don.. hindi ako nakasama sa "christmas shopping" ng aking pamilya.. pero oks na rin yun.. at least am responsible.. huh?!? ayun.. pero sa totoo lang, enjoy ko pa rin ang cram madness.. sa katunayan.. napili ang portpolyo ko ng prof.. akalain mo yun?! makikilala ako tuloy ng dean dahil ipepresent yun ng prof.. o diba?! bigaten... "" sino ang bigaten?! sino ang bigaten?!?! IKAW ang biga-10! -willie wowowee" hehehe.. pero hindi yun ang point.. ang point, nakapagpasa ako kahit crumb... woohoo...

well, malapit na matapos ang term.. hinihintay na lang ang final exams next week.. nako.. pagbubutihan ko.. pero syempre, ang pagrereview.. crumb pa din.. parsci style ba?!? ayun..

prom! uwi ka na maya.. IMYC syndrome kasi super!!!.. para seo ulet `to.. pray to da max.. sana pumasok ulet po ako.. hihih...

Dec. 7th, 2006

ispits kwayr..

hehe.. kahapon nga yung ispits kwayr.. wooh.. ka-wasted yun a.. nagmula sa hell-day.. diretso parski para manuod.. well, maganda naman yung mga performance.. puro lower years.. ang babata na nila.. take note.. (MAY NAKA BEAT NA NG REKORD KO..) smallest sa parski.. as in! 
hay naku.. sa edit nlng ko kwento.. basta naka nuod kami.. cge.. may paynals pa kasi ako kaya kelangan umalis na ko.. later! =)

Nov. 28th, 2006

Para kay tem...

Hi ster! eto na ang pic o! chumecherba ka ha!! heheh potpot.. instrumento lang ako dito.. hmm.. hehehe.. go lovester! sister!


"debut ni prom.. pero bakit may nag eenjoy na iba ata dito sa piktyur na ito?!? hehehe"

Nov. 22nd, 2006

EP-XXX adbentyurs!

naispire ako na gumawa ng isa pang sequel ng FX-Adventures dahil sa bagong labas na sequel ng Harry Potter.. Oo, tama! malapit na iyon lumabas.. Pero hindi iyon ang pakay ko.. O heto na.. doobidoo..

Kung tutuusin napakaraming nagkalat na EPEKS sa sucat.. may mga EPEKS na bulok, yung tipong "pugon de pandesal" ang loob, mayroon ding namang mga REVO at Adventure na matino-tino sakyan..Meron ding nagkalat na mga colorum, mapa-EP-EKS, REVO, Adventure, VAN.. kahit ano pa man sila, isa lang ang kanilang bukang-bibig.. "LAWTON-LAWTON!!" basta ba makakarating ako ng matiwasay sa SITIHOL, oks na oks sa akin.. Bagaman maraming sasakyang papunta ng LAWTON, mahirap pa din sumakay ng EP-EKS tuwing umaga.. Kung mamalasin, mapipilitan kang maglakad papunta sa direksyon ng sucat hi-way dahil sa ga-CONCERT na kapal ng taong naghihintay sa pagdating ng SUGONG EPEKS.. Pero hindi naman ito mangyayari sa iyo kung aalis ka ng bahay ng bago mag alas-sais.. Oo, ngunit sinong bopol ang lalabas ng 5:30 kung ang pasok mo ay 8:30?! aber?! eto pa, kung mas mamalasin ka ay makakatagpo ka pa ng mga walang pakundangang kapwa pasahero.. Oo, yung tipong manunulak  at makikipag bangasan ng bungo pa sa iyo bago ka makasakay ng minamahal mong EP-EKS.. At eto ang nakakapag ngitngit ng kalamnan.. Pag abot mo ng bayad sasabihin "MIA lang po! Casino.." Anu ba?! may balak ka pang makipag patayan sa akin?! eh casino ka lang pala! bakit hindi ka mag-jeep?! Aber! Kaming mga nakikipagsapalaran sa LUNGSOD ng MAYNILA ang napepewisyo!! kami pa ang napipilitang magjeep at sumakay sa isa pang BULOK na paraan ng transportasyon, ang LRT! para sa kinse pesos na kikitain ng drayber, konsensya pa ng drayber pag nagkasakitan sa EP-EKS.. Eh panu kung may nabasag nga na bungo?! Sa mga MIA ang baba.. Gusto ninyo sampol?!?

At eto pa..
Malimit akong sumakay sa valley 1 ng EP-EKS.. kasi naman.. pag sa LOPEZ.. kahit saan ka magpunta, mapa greenheights o Cruz Compound.. parang magkakaroon ng stampede dahil sa walang mahulugang karayom na kapal ng tao.. (take note sa malupet kong tagalog ha! ) at bakit CRUZ compound?! hmm.. taga dun si arvin.. o ano may umaapela?! hahaha! At kaninang umaga.. kung mamalasin nga naman o!.. makakasabay mo pa ang magsing-irog na itatago ko na lamang sa pangalang "sweetarts".. At dahil sa ako'y late umalis ng bahay, wala na akong karapatan pumili pa ng EP-EKS na sasakyan.. akalain mo ba naman na itong Sweetarts na ito, kulang na lang ay mapaaga ang "Lavapalooza" Ang masama nito, sila yung tipong pasaway.. super gulo nila na lahat na ng pasahero na nakasakay ay nagka-UBO na.. OO.. as in <AhEM!!!> Tila wala talagang sensitivity ang dalwang iyon.. Ang masama nito.. nung nagbayad sila, ang sabi sa drayber "Ma, sitihol ho!" Ano kanyo ang masama don?! aba syempre!.. Eh hindi naman sitihol ang patutunguhan non e, dapat sa LUNETA sila.. anu bear?! o di kaya.. hmmm...  ayun nga.. kasi naman kaya ako nagngingit ngit dahil nga late ako, hindi pa ako masyado nakapagrebyu sa RIZAL.. At dahil sa sila ay Landian ng landian.. Super distracted ako sa pagreview.. ay sauce!!

Kaya naman ang payo ko sa mga commuter na katulad ko.. mabuti ay mas maagang lumabas para hindi maabutan ng maraming tao.. yung mga katulad ng mga pasaherong natalakay ko.. <AHEM!> ang sa akin lang.. okay lang naman ang PDA sa akin.. wag lang yung garapalan na pati mga nagrerebyung pasahero ay nadadamay.. Hoy! may mga pasahero din kaya.. Gusto namin matulog sa EP-EKS.. Mag sight seeing sa baywalk.. Makipagkwentuhan sa katabi.. Makipagkilala sa drayber.. At dahil nga sa sobrang gulo ng "SWEETARTS".. Nasira ang umaga ko kasama ang pinakamamahal kong EP-EKS..

Nov. 16th, 2006

WAW!! EMO Layout!

hehehe... asteg.. na-aadik na din ako ngayon sa EMO ha.. Em talaga! lakas mang impluwensya.. hmmm.. La lng! =) la ko sa mood ngayong mga araw na to e.. kya saka na ang blag!.. tsk!

Nov. 8th, 2006

EKSmYusME!! Ang Akin Lang..

ANG Sa Akin Lang...

Naranasan mo ninyo na ba makasakay sa FX? Yung tipong masaya kayong nagkukwentuhan ng iyong mga kasama at may bigla kang naamoy na masangsang. Ang sa akin lang, sana bago magpalabas ng usok sa pwet ay magsignal muna. Kaawa-awa naman ang mga pasaherong nakasakay, walang kaalam-alam. mabuti ba naman eh ikaw lang ang makakalanghap. Tsk! =) Ang sa akin lang, kung may proyekto si Bayani Fernando na pamumudmod ng deodorant sa mga drayber, Bakit hindi magawan ng paraan ang mga umuutot na DRIVER!?! Ang sa akin lang, sa mga driver na uutot, sana ay hindi na nagpapahalata na BUBUKSAN KUNO ang pinto ng FX, para lumabas ang TOXIC gas.. OO, aircon ang iyong FX, pero sana lang huwag nang bigyan ng dagdag pasakit ang mga pasahero sa iyong umaalingasaw na hangin.. Ang sa akin lang, mainit na nga ang aircon mo, dinagdagan mo pa ng air defreshner.. flavor ba kamo?! sa tingin ko adobo ang TANGHALIAN ng driver na itatago ko na lamang sa pangalang "ututerong manong driver."  Ang sa akin lang, sana ay matuto ang mga driver na katulad nito na magtimpi. Mahirap pero alang-alang sa mga NAGBABAYAD ninyong pasahero, sana ay makisama naman kayo. Ang sa akin lang, ang baho talaga. Tinangka kong hingin ang panig ni "Ututerong Manong Driver" ngunit siya ay hindi nagpahayag ng kahit ano. Hanggang ngayon ay bukas ako sa panig ni "Ututerong Manong Driver."

Hehehehehe. =) kumumento kayo ha! hihi

Previous 20

Advertisement

Customize